the worst brings out the best in everyone
toxic. as in Uber toxic talaga ng buhay ko within the past four weeks.
WEEKS 1 and 2.
Clinicals.
Nagstart na kaming mag clinical duty sa Ward 14-B, isa sa dalawang Obstetrics and Gynecology ward ng PGH. Dahil nga kami ang isa sa dalawang pinaka-unang group na sasabak sa clinical experience ng N-10 Foundations of Nursing ng UPCN, walang ibang feeling na namayani sa kalooban ko kundi isang plethora ng TakoT, ExcitemenT, at isang foreboding na pakiramdam na magiging HeLL ang susunod pang mga linggo.
Sa kabutihang palad ay napunta naman sa grupo namin ang isa sa mga pinakamabait at pinakamaarugang teacher na nakilala ko sa buong buhay ko. Sobrang nabawasan ang tensyon ko mula nung malaman ko na siya ang magiging CI ko sa Ward. At totoo nga naman, sobrang naging magaan ang load na naramdaman ko dahil nandoon siya, kasama namin every step of the way.
Sobrang na-feel ko ang pride mula nung maisuot ko nang kumpleto ang Clinical uniform namin. Sabi nga, mafifeel mo lang daw na nagnunursing ka pag nasimulan mo nang isuot ung uniform. True enough, as if may magic spell ang uniform na yun, ang malikot, makulit, magulo, at clumsy na si Deane Mitchelle ay natransform into a less malikot, makulit, magulo at clumsy na tao. hehe. Napilitan talaga akong huwag magpakagulo tuwing suot ko ang uniform ko, sa loob man o sa labas ng ward. Haii, I feel it in my blood na talaga. This is my calling.
The best part about my 2-week clinical experience is the whole nurse-patient interaction that we had. Sobrang memorable talaga nung mga yun. I had two clients, Nanay Pusing and Nanay Marissa. I might forget them sometime in my life, but before I do, I'll always cherish them as the people who first helped me achieve the truly wonderful feeling of establishing a bond with a total stranger, in terms of being a nurse. God bless them both.
toxicity level: **
WEEK 3.
Community.
Kung may Richter scale lang ang anxiety at nerbyos at kaba, the first day of this week would have reached way beyond the highest. Sa lahat ba naman ng mga sangkatauhan, grupo pa namin, GROUP B ang maaassign sa isa sa mga legendary na professor sa UP College of Nursing! At gudlak naman sa aming mga neophytes diba? Kilala ang prof. na to sa pandedelay ng mga tao. yun lang naman. and we're FIRST in the line of battle. kumbaga, kami ung unang-unang mababaril. Ay hindi, nuclear warhead pala ang nakatutok sa amin. That's it. Kung may taong hindi kinakabahan sa grupo namin, siguro patay na siya kaya ganun.
Sa NAIA Health Center kami naka-assign. Isa yung Health Center na nakatago sa Our Lady of the Airways parish malapit sa NAIA. Kaya nung sabihin namin sa manong drayber nung jeep na dalhin kami sa NAIA Health Center, e parang natulala lang siya, natakot na mawalan ng pasahero, at kahit hindi naman talaga alam ay nagsinunghaling para lang hindi namin siya layasan. Ayun tuloy, late na nga kami, ang haba haba pa ng nilakad namin para lang masalubong ang aming dreaded professor. Kung hindi ako nagkakamali, may nakita yata akong usok na nag-eemanate from her nostrils kahit ang girly girly at mukhang inosente ang smile niya. Op kors galit siya. Pero tulad nga ng sabi ng higher years, yun daw ang mahirap sa kanya. Hindi mo malalaman kung tama o mali o disastrous na ang ginagawa mo dahil kahit ano ang mangyari, kahit napatay mo na ung patient mo dahil sobra ang pagpump mo ng BP apparatus, nakasmile pa rin siya, smile lang. smile to the nth level.
Siguro akala niya, kakosa namin si Superman dati sa Krypton. O kaya naman kami yung mga lumaking Batang X. O kaya naman clones kami ng mga teenage mutant ninja turtles at kahit di hamak naman na mas matino ang itsura namin sa kanila ay iniisip nya na may super powers kami at kayang naming gawin sa loob ng isang araw ang santambak na bagay. Sa dami ng pinagawa niya sa amin, namatay na lahat ng mga kuko namin sa paa sa kakaresearch at natusta na ang mga kilay namin sa kasusunog. Nursing Health History, Family Service and Progress Record, Risk assessment, Metro Manila Developmental Screening Test, Nutritional Assessment, Recommended Energy and Nutritional Intake, Meal Plan, Health Education at Nursing Care Plan ang ilang lang sa mga inexpect niyang magagawa ng aming mga mumunting katawan at pagod na pagod nang utak. Buti sana kung N10 lang ang klase namin ngayong semester. Kaso lang meron pang Parasitology, Microbiology, Asian History, N4 Pathophysiology at Biochemistry. Kailangan pang magprepare ng performance para sa upcoming na College event, ang Nursecissism na inaabangan talaga ng lahat. Kaya mejo 1/4 na lang ng buong being ko ang alive nung mga panahon na iyon. To top it all, namaos pa ko.
Mabuti na lang at mabait naman ang pamilyang napunta sa akin. Kung hindi, baka hindi na ako nakapag-smile ulit sa buong career ko.
For the record, ang linggong ito ang naging pinakamahabang linggo ng buong buhay ko so far.
toxicity level: **********************************************
WEEK 4.
For some reason ay hindi ko inisip na magiging magaan ang linggong ito para sa akin.
Dahil nga isa akong bibong bata, ay nagvolunteer akong tumulong na maglead ng BATCH namin para maisakatuparan ang Nursecissism performance namin. Kaya't bagamat physically incapable at mentally strained pa ang utak ko ay pinilit kong magkaroon ng lakas para magawan ng paraan ang performance na mukhang walang patutunguhan. Paano ba naman, isang linggo na lang ang natitira para magpractice. Gud luck talaga.
Grabe, hindi ko alam na kaya ko palang maging mataray at times. As in ung Uber taray na parang si Anne Marielle Galvez kapag natural niya. Ganun. At hindi normal sa akin ang ganun. Kaya sorry na lang sa mga batchmates ko na natarayan ko nung mga panahon na yun. Pagod lang talaga ako. at makulit naman kasi talaga kayo. :)
Dumating ang Friday at kasama nito ang takot dahil hindi pa namin natatapos yung performance namin! Mabuti sana kung tapos na at papraktisin na lang namin, kaso ang problema, hindi pa naituturo ng maayos yung huling part. Kaya naman one hour before the program ay nun pa lang namin talagang napraktis yung performance. Asteeg talaga ang batch namin. Composed at mukha pa ring walang problema kahit malapit nang gumuho ang tanging mundong ginagalawan namin.
Hindi ko napigilang mamangha nung makita kong nag-aayos yung mga batchmates ko. Siyet. Ang gaganda at ang gagwapo namin. Huwah! :) Sobrang nasiyahan ako na super nagtulung-tulungan yung buong batch para mabuo ang lahat. Nung nagpeperform na kami, sobrang naririnig ko yung pagkabog ng dibdib ko. Sobrang crammed ang performance na to pero whatever happens, masaya pa rin ako kasi nagawa namin to. As one.
Wala kaming naiuwing trophy (kahit wala naman talagang trophy na ipinamimigay sa Nursecissism) pero lahat kami nag-enjoy. Lahat kami narelieve dahil Friday na, tapos na naman ang isang linggo, at tapos na rin ang performance na nagburden sa amin for the past week. Tapos na ang sunod-sunod na 8 pm na uwian, tapos na rin ang karapatan kong magtaray at mang-okray ng mga tao.
Napakasaya ng mga nangyari nitong linggo na to kahit sobrang nakakapagod.
Un sangre. Un personas. One blood, one people.
toxicity level: ******* (seven yan. para sa seven endless.)
Alam kong hindi dito nagtatapos ang katoxican namin. That's for sure. Pero meron pa ring isang endless na for sure ay hindi namin ireregret - hangga't nagkakaisa ang batch namin at hangga't lahat kami ay may paniniwala sa isa't isa, hindi kami matitibag ng kahit ano pang level ng katoxican.
BSN Batch 09. San ka pa? :)